Maagang Limitasyon sa Liquidity sa Tycoon Online: Paano Nabubuo ang Pag-unlad Bago Gumalaw ang Presyo
- Wishing angelo Caingles
- Mar 13
- 4 (na) min nang nabasa
Updated: Mar 15
By Steve Biddick
Sa unang apat na araw ng round sa Tycoon Online, hindi muna nagbabago ang presyo sa market. Habang tumatakbo ang laro, nadadagdagan ang production, natatapos ang mga building, at dumarami ang transport—pero pareho pa rin ang presyo.
Dahil dito, ang progreso sa early round ay mas nakadepende sa pag-ayos ng infrastructure at tamang pag-manage ng pera o liquidity, hindi sa paghula kung tataas o bababa ang presyo.
Kaya kung minsan parang mabagal ang galaw ng laro, hindi ibig sabihin na walang nangyayari. Sa totoo lang, bahagi ito ng liquidity phase na sadyang ginawa sa rules ng laro.
Ganito gumagana ang phase na ito.
1. Ang Fixed-Price Window
Sa unang apat na araw, hindi muna gumagalaw ang presyo sa market. Kahit may hindi balanse sa supply at demand, hindi pa ito nakikita sa galaw ng presyo.
Dahil dito, nawawala muna ang short-term speculation. Sa panahong ito, ang kita ay hindi galing sa paghula ng pagtaas o pagbaba ng presyo, kundi sa mabilis at maayos na pagbuo ng production chains.
Ang tunay na limitasyon dito ay hindi kakulangan ng oportunidad—kundi timing.
Sa madaling salita, ang kita sa early round ay nakadepende sa maayos na istruktura ng production, hindi sa pabago-bagong presyo ng market.
2. Ang 2× / 4× Production Rule
Ang production chains sa Tycoon Online ay linear.
Ang Level 1 goods ay direktang nagmumula sa mga zone.
Ang Level 2 goods naman ay nangangailangan ng 2× Level 1 input.
At ang Level 3 goods ay nangangailangan ng 2× Level 2, o katumbas ng 4× Level 1.
Samantala, ang mga shop ay nagbebenta ng goods nang paisa-isa — 1 input, 1 output.
Kapag limitado ang liquidity, ang mas mahahabang production chains ay nangangailangan ng mas malaking kapital na naka-lock muna bago makagawa ng produkto na puwedeng ibenta.
Halimbawa, ang Level 3 building ay kailangang mag-ipon muna ng apat na unit ng raw input bago pa ito makalikha ng revenue.
Dahil dito, sa fixed-price window, mas mabilis gumana ang mas simpleng production chains dahil mas kaunting input ang kailangan bago maging pera ang production

Ang Level 2 goods ay nangangailangan ng dobleng input kumpara sa Level 1, at ang Level 3 goods naman ay nangangailangan ng apat na beses na raw input.
Sa early rounds, ang mas mahahabang production chains ay mas maraming kapital ang naka-hold muna bago pa magsimulang kumita
3. Activation Kumpara sa Accumulation
Ang early stagnation ay kadalasang activation problem, hindi problema sa presyo.
Kapag may mga building na ginagawa pa lang, factory na walang staff, o mga sasakyang hindi ginagamit, naaantala ang pag-convert ng production papunta sa kita.
Ang production na walang transport ay nananatiling potensyal lang—hindi pa totoong output.
Halimbawa, ang truck na nagdadala ng 14 units o trailer na may 64 units ay kumakatawan sa aktwal na throughput, hindi lang potensyal na production.
Mas humihigpit ang early liquidity constraint kapag ang kapital ay naka-lock pa sa mga infrastructure na hindi pa tapos.
Pero lumuluwag ito agad kapag kumpleto na ang activation at nagsimula nang gumana ang buong system.

4. Pagbasa sa Forecast Pressure
Ang page na “Calculation of market prices” ay nagpapakita ng mga inaasahang pagbabago sa presyo batay sa kawalan ng timbang sa production.
Sa panahon ng fixed-price window, mas mahalagang tingnan ang forecast kaysa sa kasalukuyang presyo. Ipinapakita nito kung saan nagsisimulang mabuo ang pressure sa market, kahit hindi pa gumagalaw ang presyo.
Sa bahagi na ito, pagsubaybay ang mahalaga, hindi prediction.
Ang konsentrasyon ng production, ang pagtatapos ng mga building, at ang demand ng mga shop ang humuhubog sa susunod na cycle ng pagbabago ng presyo.
Ibig sabihin, ang positioning ay nangyayari bago pa gumalaw ang presyo, hindi pagkatapos.

5. Structural Thresholds at Office Unlock
Ang company value ang nagbubukas ng office. Kapag naabot ang kailangan na value, mas lumalawak ang pwedeng gawin sa operasyon.
Sa early rounds, mas epektibo ang maliliit at mabilis ma-activate na builds kaysa sa malalaki pero mabagal matapos.
Sa liquidity phase, mas mahalaga ang bilis ng pag-ikot ng kapital kaysa sa laki ng proyekto.

6. Loans bilang Liquidity Instrument
Ang loan ay nagbibigay ng dagdag na pambili agad, pero may kasamang takdang oras ng pagbabayad.
Kapag ginamit nang maayos, puwede nitong pabilisin ang activation o makatulong sa maagang pagposisyon sa mga kulang ang supply na chains.
Pero kapag ginamit nang basta-basta, nabibigatan ang liquidity sa hinaharap dahil sa repayment.
Makikita sa Upcoming Events panel kung kailan ang mga bayarin, kaya dapat isinasaalang-alang ito sa mga desisyon sa liquidity.
Ang loan ay nagbabago ng timing, pero hindi ito awtomatikong lumilikha ng profit.
7. Dividend Cycles at Share Positioning
Ang mga kumpanya ay nagbibigay ng stock dividends paminsan-minsan. Makikita sa Upcoming Events panel kung kailan ang susunod na dividend.
Sa fixed-price window, ang pagbili ng shares ay puwedeng magdagdag ng bahagi sa susunod na dividend habang inaayos pa ang production. Ang shares ay hindi kapalit ng production. Ito ay bahagi sa kabuuang performance ng kumpanya.
Kaya sa phase na ito, kailangang balansehin ang paggamit ng pera sa pagitan ng pagpapaandar ng production at pagbili ng shares.
8. Bakit Parang Mabagal ang Early Rounds
Sa early rounds, may liquidity constraint kaya parang may delay sa pagitan ng effort at resulta.
Pero sa ilalim nito, marami nang nangyayari:
Tumataas ang production
Natatapos ang mga infrastructure
Nabubuo ang pressure sa forecast
Papalapit ang dividend cycles
Ang katahimikan na ito ay bago magsimulang gumalaw ang feedback ng market. Kapag nagsimula nang mag-adjust ang presyo, doon lalabas ang advantage ng mga infrastructure na naitayo na. Ang early phase ay hindi stagnation. Ito ay pagbuo ng kapital habang hindi pa gumagalaw ang presyo.
Stephen Biddick
Operator, Tycoon Online
Omerta Publishing Ltd
In-game: Denholm Reynholm






Mga Komento